- 1) Zoon the Truth will Emerge
Sa ngayon, si Jun Lozada ang kumakatawan nito. Naglakas loob siya para ilabas ang mga nalalaman niyang anomalya sa ZTE deal.
Panawagan sa iba pang sangkot at may kaugnayan sa ZTE deal na ito : Lumantad na at sabihin ang katotohanan para sa sambayanan!
2) Zobra na! Tama na! Exit na GLORIA!
Nakasulat ito sa mga banners na dala-dala ng mga nasa rally. Naalala ko nung panahon ni Marcos ang sigaw ay : Sobra na, Tama na, Palitan na! Noong panahon naman ni Erap : Sobra ng pahirap, Patalsikin si Erap!
Napatalsik si Marcos. Napatalsik si Erap!
Kaya…..
- 3) Zama-zama Tayo ulit sa Edsa!
At kahit saan pa – sa Edsa, Ayala o kahit Mendiola pa.
Natatandaan ko yung mga gabing nasa EDSA kami noong 2001. Hindi kami nakaramdam ng pagod. Kahit mahaba ang nilalakad namin, tapos pagdating dun ay ang dami-daming tao, walang pagod na nagaganap. Ang nasa isip lang namin, kailangan dumami pa ang mga tao hanggang bumaba na sa pwesto si Erap.
Kaya hindi tayo dapat mapagod na kumilos. Mas magiging makabuluhan ang katotohanang ibinunyag ni Jun Lozada kung kikilos tayo.



you’re right on many points. and i agree that our government has become quite discredited. it’s so disappointing talaga.
don’t you feel that it’s ironic that 7 years ago, you demanded for the president’s resignation only to find that today you are asking for the same thing from the very same person who replaced the 1st cause of your protest?
wala lang, personally i feel tired of many people cursing and hating GMA and asking her to step down when they offer no real alternative or solution to our predicament. what’s our guarantee that if people power proved effective again and that gloria does resign, that history won’t repeat itself? i hope that when we do shout, “tama na, sobra, palitan na,” we will also have something concrete in mind who will best lead this coutnry out of corruption. if we can’t, then what’s all the use trying to unseat a president if there’s no one else who can take the job diba?
parang gamit sa bahay ang pwesto sa malakanyang. pag ayaw na ng tao dapat pwedeng palitan- eleksyon man o people power. kapag nakita natin na nabubulok ang isang gamit dapat nang itapon at palitan. dapat hindi tayo magsawa sa paglilinis ng ating bahay at mga gamit dito at darating din ang tamang panahon na ang ating bahay ay mayroong magandang gamit at pakikinabangan ng lahat.