Bingi talaga si Gloria Arroyo.
Sabi ni Gloria Arroyo, sumisigaw daw ng “I Love You” ang mga taong sumalubong sa kanya.
Ang totoo, ” Ayaw na namin sa’yo! ” at ” Hoy! Baba na you! “ ang sinisigaw ng mga taong sumalubong sa kanya.
Nakabibingi naman ang dumadagundong na sigaw ng 80,000 na mga nagrali sa Ayala : GLORIA, RESIGN!
Kaya huwag ka na magbingi-bingihan Gloria sa sigaw ng taumbayan.
———————-
Pagbaba mo, PAGBABAGO!
Linya ito sa isang speech kanina sa Ayala. Hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi nito. Pero pumatok siya sa pandinig ko kanina.
Kailangang matuto tayo sa mga nagdaang people power. Ang pagbabagong gusto natin ngayon ay hindi na lang pagbabago ng presidente. Gusto natin ng makabuluhang pagbabago, mga kongkretong repormang mararanasan ng mga mamamayan.
Pero ang mahalaga sa ngayon ay asikasuhin muna ng taumbayan ang pagpapababa/pagpapatalsik kay Gloria. At mula rito, isulong natin ang makabuluhang pagbabago.
galing sa Inquirer.net ang larawan sa itaas

Ganja – napadaan lang po
Long time no hear batch mate. Mukhang maraming happenings talaga sa atin.
She refuses to hear out what her countrymen are trying to say.
hi ganja, dumaan na po
tanong ko lang, sino (leader na karapat-dapat) at paano magsusulong ng pagbabago na gusto natin?
isigaw pa natin ng as malakas. Hanggang sa mahikayat ang lahat. Simulan natin dito sa blog.
mahabang palinawagan yan. hehehe
ang bagong people power na isinusulong ngayon ay mas dapat nakatuon sa “people” at hindi sa “personalidad”. kaya naman maaring pumalit ay si noli bilang constitutional successor o isang transition council na maaring buuin ng kinatawan ng judicial, senate at executive at syempre ng mga organisasyon ng iba’t ibang sektor na lumahok sa pagpapatalsik kay gloria.
ang mahalaga ngayong asikasuhin ay ang pagpapatalsik kay gloria. ito ang unang tungkulin. tiyaking hindi matatapos ang lahat sa oras na siya ay mapatalsik o magresign. dapat ay tuluy-tuloy ang pagbabantay natin sa gobyerno sa pamamagitan ng mga naitayo nating alyansa o organisasyon. dapat ay manatiling may boses ang mamamayan sa post-gloria government kung sino man ang mauupo kapalit niya.
ayan ang haba na. salamat ulit sa pagdalaw!
haha. mahaba nga. ito lang ang masasabi ko. iba talaga tayo ng approach sa problem. pareho tayo ng inaacknowledge na problem/s pero iba lang siguro kung pano ko lulutasin yan, kung ako lang ang masusunod
by the way, i moved to http://www.naptimrocks.com already. pa-update naman ng link ko please? if you have already, super thanks!
This post is very hoting, and this blog is high ranked in
the top blogs report . You can
earn some money with a good blog like this.
ganjaman, napadaan lang… haha! salamat sa pagbisita sa blog ko, add kita blogroll ko mamaya… hehehe! Gloria resign! Eddie Gil for President!