Dalawang buwan ring hindi nakapagsulat dito. Kumusta na? Ayos pa ba?
I AM RADIO GAGA
Nakikinig na ako ng radyo sa umaga. Matagal na naming balak bumili ng radyo. Napadpad na nga kami sa Raon at kung saan-saang mall sa lupalop ng Maynila para humanap nito. Sa totoo lang, nahirapan kaming matagpuan ang perfect radio — shempre dapat may AM, maliit at mura. Sa wakas! Pag-uwi ko isang gabi, nadatnan ko na lang si Gregorio KAIDE sa bahay at mula nito nagsimula nang dumami ang kachekahan ko tuwing umaga.

Tsong welcome back! haha! Kung hindi mo naitatanong eh may maliit din akong transistor a yun at nakababad sa AM radio, DZBB pag umaga, DZMM sa hapon. Ang tagal mo ring nawala tol, buti nagparamdam ka. Kita-kits sa blogosphere! YATA!
mas gusto ko din ang maliit na radyo, mas sosyal, hehe
meri krismas!