sakto dahil nabuo ko ang kwento sa araw na nag-blog ako ulit. malabo pa rin? isang blog entry ko kasi ang nag-aangas na hindi ko natapos ang pelikulang Across the Universe dahil sa piratang dvd na nabili ko sa quiapo. timing naman at ipinalabas sa HBO kaya natapos ko rin. happy ending, nagkita si jude at lucy, all you need is love ang last song.
sa mga darating na araw, sikapin kong sakto lang ang mga maisusulat ko rito. sakto sa mga kaganapan, timing sa mga bagay bagay na pinag-uusapan.
gudlak ganja!
paalam old header!
hello der pader!
hello kengkay! ikaw ang una kong bisita mula ng muli kong pagkabuhay.
hindi ako makapagcomment sa blog mo. ilang beses na ko nagtry. for that, dito na lang kita greet ng belated happy birthday!